6/12/2010

Orientation Day

LATE POST.

4.45 AM. Super aga ko nagising kasi 7.00 ang call time. Ayos dito, ayos dun. hindi na nga ako super nag ayos kasi baka ma late ako. But WTF. Nakasakay ako ng shuttle ng 5.45 AM(may shuttle station kasi sa isa sa mga streets ng Main Street ng subdivision namin na papuntang Taft-Lawton. Sorry kung magulo. Haha. =D). 3 palang ang tao. Hintay, hintay, hintay... Tinggin sa relo. Hintay, hintay, hintay.... What to know what time umalis yung shuttle? 6.30! grabe, 30 mins. na lang time na namin, first day palang late na, san ka pa? syempre nakakahiya kahit wala pa akong kilala at Orientation Day palang, nandun ang mga higher batch to watch and observe. Ano na lang sasabihin nila samin? VIP? Buti na lang wala pang traffic, at smooth sailing ang byahe. 20 mins. lang nasa Manila na kami. Lumipad? Hindi, magaling lang talaga si Kuya Driver. Pero gosh, ang scary nya mag drive kasi kung saan-saan lumulusot. Pero pasalamat na rin ako. Bumaba ako sa likod ng SM Manila, mag lalakad pa. Bago sasakay ulit ng jeep na papunta sa kantong 1 block away pa sa San Bada. Buti na lang ung jeep na nasakyan ko papuno na nung pag dating ko kundi patay na talaga ako. Lakad nanaman. Super Haggard! Pag dating ko sa San Beda, dito ako nagulat, at natuwa? There are people drumming, may mga cater tables, foods, and foods. =D Luckily hindi pa mag sstart kasi meron pa rin mga hindi dumadating. Kay nakipag usap muna ako sa katabi ko. And her name is Yvon. Chicka-chicka. Daldal dito, daldal dun. ^.^

8.00 AM. Nag start ang Mass. My First Mass in San Beda College.

9.30 AM-4.00PM. Orientation, Ceremony, Film Showing, Campus Tour, etc... Buong araw ganun lang ang ginawa namin. Idagdag pa ang mainit na panahon. Buti na lang at mababait naman ang mga Bedista nakatatanda, maganda ang mga program, at makikita mo talaga yung effort nila sa pag welcome sa mga baguhan.

Minsan napapa isip ako. Bakit nga ba ako napadpad dito?